Teleserye

Naalala ko taong 1996, nung ako ay Grade 6 nang nagreyna si Claudine Baretto at Judy Ann Santos sa mga primetime series ng ABS-CBN. Hindi ko na naabutan ang Flordeluna at batang bata pako nung sumikat si Annaluna. Telenovela pa ang tawag noon sa mga palabas na sinusubaybayan ng pamilyang Pilipino. Nag-evolve ito at tinawag na Teleserye (hindi ko matandaan kung kailan).

Naging tagasubaybay din naman ako ng mga teleserye. Ang huli kong napanood ng buo ay yung Pangako Sa'yo at yung Iisa pa Lamang. Naalala mo ba ang mga martyr nating bida na si Via at Esperanza? Hindi na nawalan ng pahinga si Judy Anne at Claudine nung mga panahon na'yon. Nagpapalit-palitan lang sila ng palabas. Nauso din yung Fantaserye nung nasa kolehiyo nako. Nandiyan yung Mulawin, Marina, Krystala, Encantadia at kung anu ano pang lamang lupa ang ipinalabas sa TV. 






Iba-iba man ang istorya nila, iisa lang naman ang mga nangyayare sa mga eksena. Naglista ako ng ilan sa mga laging nagaganap sa isang Teleserye.

  • Laging may sampalan. Una munang maapi and bida.
  • Pagkalipas ng mahabang panahon, babalik ang bida na mayaman na, kulot o mikli na ang buhok niya na may kulay.
  • Laging may ampon or nawawalang anak sa istorya. Tapos yung bida pala yun. Matutuklasan niyang mayaman pala talaga siya.
  • Laging naaksidente ang nakaka-alam ng katotohanan (yung may hawak ng diary oh yung totoong may alam kung sino ang totoong anak ng naghihiganti). Kadalasan, tinatanggalan ng preno ang sasakyan niya or kaya pasasabugin.
  • Kapag may involve na pulitiko, palaging kasabwat ito ng kontrabida.
  • Palaging may pipisiling bagay ang kontrabida habang naglilitanya. It's either panyo or yung litrato ng bida na ex ng kanyang asawa.
  • Kung ayaw ng magulang ng babae sa lalaki (vice versa) kase mahirap lang siya, bibigyan ng tseke o kya itatanan ng lalake si babae.
  • Kung may mamamatay na tauhan, iiyak ang bida, titingala at isisigaw ang pangalan ng namatay.
  • Pagkalipas ng ilang taon, buhay pala ang namatay na tauhan. Nagka-amnesia lang.
  • Ang bidang lalaki, kapag depress ay iinom ng whisky tapos may maalala, tas ibabato ang baso kapag nainis.
  • Kapag me negosyo ang kontrabida, malulugi tas ipagbebenta. Ang bidang naghihiganti ang makakabili ng kumpanya.
  • Mayroong katulong na komedyante ang kontrabida. Kadalasan, balimbing ito.
Wala na akong maisip. Meron pa ba akong dapat idagdag? hehehe

Sa personal kong pananaw, dapat magbago na ang ating panlasa towards sa story ng ating mga lokal na palabas. Minsan, ang tema ay hindi nararapat sa mga bata. Alam kong ito ang ating kultura ngunit nakakalungkot lang isipin na hindi nagbabago ang ating pananaw at kung minsan, naapektuhan tayo ne'to sa mga paraang hindi natin alam.










Written by

19 comments:

  1. cute ng entry. marami pa yan, naalala ko dati meron din si Krisaquinostd sa twitter na ganyan tapos nagtrending pa yata :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ambilis mo magcomment houseboy! :) LOL cge, ibacktrack ko nga ang mga tweets ni krisaquinostd. LOL :)

      Delete
  2. Ganyan nga, kadalasan yung isang concept yun din ang concept nung susunod na palabas. Natawa nga me, nanonood kami ng KrisTV sa TFC pinopromote yung pang-7 na sirena fantaserye ng ABS-CBN. Tapos sasabihin, ibang iba daw yung sa naunang anim. Hahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ganun naman lagi eh. pati sa pelikula. kakaiba daw! LOL

      sa next generation wala na yan =)

      Delete
  3. hahaha kala ko ba busy ka sa work yun pala busy sa pag aanalyze ng teleserye culture natin! Chos

    ang super iconic sakin si princess punzalan at si mylene dizon bilang kontrabida. At si amor powers jusko bentang benta sakin role nya hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. busy talaga ako kagabe =) yeah, Princess Punzalan and Jean Garcia ang icons for me :)

      Delete
  4. Pinakagusto ko nun ay yung Sa Dulo Ng Walang Hanggan kasi about reincarnation siya. Tapos sinubaybayan ko yung Encantadia. Hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi ko siya nasubaybayan =) ehehe. encantadia, medyo lang din.

      Delete
  5. the classic,, hahaha isa lang na napanood ko ng buo ang iisa pa lamang...
    kaso sabi mo nga paulit-ulit na lamang sila... buti nga ngaun medyo mabilis na ang facing ng kwento compare sa dati eh.

    ReplyDelete
    Replies
    1. mabilis pero same pa din. hehehe

      Delete
  6. may idadag pa ako

    1) pagmalapit na ang ending laging may KIDNAPAN!!! at nasa warehouse sila kasama mga goons

    2) rich boy meets poor girl, yung nanay ni rich guy ayaw kay poor girl tapos gagawa siya ng paraan para masira ang relation ng dalawa. tapos aapihin si poor girl tapos aatakihin sa sama ng loob ang nanay or tatay niya

    Yayaman si poorgirl at maghihiganti sa pamilya ni rich boy. tapos yung anak niya kay rich guy ay nawawala


    similar din ang teleserye natin sa mexicans kasi lagi nawawalan ng anak ang tema.



    ang problema sa mga teleserye na pinoy ay recycled ang mga storya paulit ulit na lang at naiiba lang ang mga artista

    nauso naman ang teleserye noong sumikat ang marimar ni thalia. at dahil diyan nawala ang mga sitcom at sa ngayon mula hapon hanggang gabi puro teleserye ang mapapanood sa tv.


    ako i prefer to watch japanese or korean soaps kasi mas naiiba ang storya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I haven't tried Japanese pero KOrean andami ko ng napanood. Korean drama is so melancholic pero dun mo makikita ang ibat-ibang story na walang paghihiganting involve. hehehe

      Delete
  7. Hehe nice post! Basta 1996, grade 2 pa lang ako wahehe!

    May isa pa akong napansin sa mga teleserye saten. Yung kapag tutol ang magulang ng bidang lalaki sa kasintahan nito eh magbababala na tatanggalan ng mana yung anak. Nakakatawa lang kasi di naman yun kasama sa grounds para matanggalan ng mana ang descendants. Madalas ay ginagawang mangmang ng mga writer ang mga manonood.

    May isang eksena pa dati na kinidnap ni Madame Claudia Buenavista si Amor Powers. Pinahirapan nang husto ni Madame Claudia si Amor Powers para ibenta nito ang shares nya sa Powers telecom. Dyusme! Eh pwede naman sya magreklamo sa korte after that kasi nga voidable yung contract nila kasi yung consent ni Amor Powers ay nakuha lang naman ni Madame Claudia through violence. Pero walang ginawa si Amor Powers nang nakatakas sya. She was so helpless. OMG. Eh siyempre di ko pa naman alam yang ganyang mga batas nung bata ako so bentang-benta sa akin. Siguro sa karamihan na rin ng mga manonood na walang sapat na alam sa mga batas.

    Hehe nakakatawa lang =p

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe, tama ka jan! ginagawa lalong mga mangmang ang mga viewers. =) tandang tanda mo pa talaga un mga eksena sa pangako sa'yo! LOL

      Delete
    2. oo naman, sobrang naaalala ko pa yun kasi di ako makatulog nun sa sobrang inis kay Jean Garcia. Hehe galing ng mga artista :)

      Delete
  8. i guess ganyan talaga gumawa ang mga pinoy..
    alam na kung anung mangyayari..

    hindi mo sinama ung eksena na pag may mga barilan, huling dumarating ang mga pulis..
    hihihi

    ReplyDelete
  9. Mahilig ka pala sa drama at mga teleserye ha... :) Hello there! I am here again... Long time na wala ako rito sa blog mo. Dumadot com ka na :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Huy Lionheart! nagkrus ulit ang mga landas naten. hehehe =) hindi nako mahilig ngaun. hehe

      Delete

Come on!... say something!