Teleserye
Naalala ko taong 1996, nung ako ay Grade 6 nang nagreyna si Claudine Baretto at Judy Ann Santos sa mga primetime series ng ABS-CBN. Hindi ko na naabutan ang Flordeluna at batang bata pako nung sumikat si Annaluna. Telenovela pa ang tawag noon sa mga palabas na sinusubaybayan ng pamilyang Pilipino. Nag-evolve ito at tinawag na Teleserye (hindi ko matandaan kung kailan).
Naging tagasubaybay din naman ako ng mga teleserye. Ang huli kong napanood ng buo ay yung Pangako Sa'yo at yung Iisa pa Lamang. Naalala mo ba ang mga martyr nating bida na si Via at Esperanza? Hindi na nawalan ng pahinga si Judy Anne at Claudine nung mga panahon na'yon. Nagpapalit-palitan lang sila ng palabas. Nauso din yung Fantaserye nung nasa kolehiyo nako. Nandiyan yung Mulawin, Marina, Krystala, Encantadia at kung anu ano pang lamang lupa ang ipinalabas sa TV.
Iba-iba man ang istorya nila, iisa lang naman ang mga nangyayare sa mga eksena. Naglista ako ng ilan sa mga laging nagaganap sa isang Teleserye.
- Laging may sampalan. Una munang maapi and bida.
- Pagkalipas ng mahabang panahon, babalik ang bida na mayaman na, kulot o mikli na ang buhok niya na may kulay.
- Laging may ampon or nawawalang anak sa istorya. Tapos yung bida pala yun. Matutuklasan niyang mayaman pala talaga siya.
- Laging naaksidente ang nakaka-alam ng katotohanan (yung may hawak ng diary oh yung totoong may alam kung sino ang totoong anak ng naghihiganti). Kadalasan, tinatanggalan ng preno ang sasakyan niya or kaya pasasabugin.
- Kapag may involve na pulitiko, palaging kasabwat ito ng kontrabida.
- Palaging may pipisiling bagay ang kontrabida habang naglilitanya. It's either panyo or yung litrato ng bida na ex ng kanyang asawa.
- Kung ayaw ng magulang ng babae sa lalaki (vice versa) kase mahirap lang siya, bibigyan ng tseke o kya itatanan ng lalake si babae.
- Kung may mamamatay na tauhan, iiyak ang bida, titingala at isisigaw ang pangalan ng namatay.
- Pagkalipas ng ilang taon, buhay pala ang namatay na tauhan. Nagka-amnesia lang.
- Ang bidang lalaki, kapag depress ay iinom ng whisky tapos may maalala, tas ibabato ang baso kapag nainis.
- Kapag me negosyo ang kontrabida, malulugi tas ipagbebenta. Ang bidang naghihiganti ang makakabili ng kumpanya.
- Mayroong katulong na komedyante ang kontrabida. Kadalasan, balimbing ito.
Wala na akong maisip. Meron pa ba akong dapat idagdag? hehehe
Sa personal kong pananaw, dapat magbago na ang ating panlasa towards sa story ng ating mga lokal na palabas. Minsan, ang tema ay hindi nararapat sa mga bata. Alam kong ito ang ating kultura ngunit nakakalungkot lang isipin na hindi nagbabago ang ating pananaw at kung minsan, naapektuhan tayo ne'to sa mga paraang hindi natin alam.
Read more



