Uso

Noong kabataan ko, wala naman akong alam sa mga pre-nuptial photo shoot. Ang ibig kong sabihin, wala naman ito dati. Ngayon, nauso na. Kung kailan daw mahirap na ang buhay ng mga tao, andami daming mga USO na nagiging requirements na din sa kasalukuyang panahon. At dahil sa wala akong mai-blog, i-share ko na lang yung una kong prenuptial shoot na pang amateur. Kasal na ngayon ang dalawang ito. Congratulations nga pala!


Uso na ang prenup shoot. Kanya-kanyang bonggang mga tema kung saan dapat kukunan ang mga litrato. Mas wacky at creative, mas astig! Ang mga larawang ito ay kinunan sa Singapore Botanical Garden.




Uso na din ngayon yung dapat may ambag na din ang babae sa gastos sa kasal. Dati kasi, yung lalaki lang ang gumagastos. Hindi naman uso ang Dowry sa kultura naten. Pero sa tingin ko, mas sweet kung lalaki ang gagastos lahat. 




Uso na din yung mag-uupload kayo ng video sa youtube mala MTV style at doon niyo ipapakita kung gaano kayo ka-sweet at kung gaano kagastos ang kasal niyo. Hindi lang classic wedding songs ang pwede maging Theme Song kundi contemporary na din. Hindi na uso ang VHS at sa video, wala ka ng makikitang pagkalaki-laking mga ilaw na tinatapat sa mga mukha ng tao.





Uso na din ang hiwalayan. Matapos gumastos sa kasal at sumumpa sa harap ng altar na magmamahalan habang buhay. Tila, wala ng halaga sa kasalukuyang henerasyon ang "relationship." Kapag nasasaktan na ang isa, kailangan ng makipaghiwalay agad. Walang diborsiyo sa Pilipinas pero panay naman ang annulment. Madalas, gagastusan talaga nila ito, mawalan lang ng bisa sa batas ang kasal nila. 


"People invest more on weddings rather than in Marriage."




Written by

0 comments:

Come on!... say something!